Ikaw ba’y isang angel na nahulog mula sa kalangitan.. Na mag-liligtas sa akin mula sa kalungkutan.. Malayo palang nakikita ko na ang matamis mong ngiti.. ‘Di ko na maalis ang aking mata buhat sayo.. Sino ka ba..? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo..? Sino kaba..? Puwede ba kitang makilala..? Hindi ko makalimutan ang iyong mukha sa tuwing ika’y aking nakikita.. Mayroong iba sa’yong mga ngiti.. Na labis na nag-papasaya sa akin.. Nais kitang makilala.. Sino ka ba..? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo..? Sino ka ba..? Bakit kita nakilala..?

Monday, July 5, 2010


"Pangangatwiran"
Pangangatwiran - Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.

- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason. (- Arogante)

- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.

- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.

- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:

1. upang mabigyang linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.

2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.

3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;

4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin

5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa

"Kasanayang Nalilinang sa Pangangatwiran"

1. Wasto at mabilis na pag-iisip

2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan

3. Maayos at mabisang pagsasalita

4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran

5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.

URI NG PANGANGATWIRAN

1. Pangangatwirang Pabuod o Induktivo - nagsissimula sa mga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.

2. Pangangatwirang Pasaklaw o Pedaktivo - sinisimulan ang pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.

No comments:

Post a Comment