Ikaw ba’y isang angel na nahulog mula sa kalangitan.. Na mag-liligtas sa akin mula sa kalungkutan.. Malayo palang nakikita ko na ang matamis mong ngiti.. ‘Di ko na maalis ang aking mata buhat sayo.. Sino ka ba..? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo..? Sino kaba..? Puwede ba kitang makilala..? Hindi ko makalimutan ang iyong mukha sa tuwing ika’y aking nakikita.. Mayroong iba sa’yong mga ngiti.. Na labis na nag-papasaya sa akin.. Nais kitang makilala.. Sino ka ba..? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo..? Sino ka ba..? Bakit kita nakilala..?

Monday, June 28, 2010

Ama..


ang aking ama sa likod ng aking pighati
minsan akong nakulong sa kadiliman ng puno ng kalungkutan.. na sa likod ng aking mga ngiti ay isang madilim na na nakalipas tungkol sa aking ama.. pagod ang aking isipan sa mga bagay an gumugulo sa king pag-iisip.. dati'y masaya ang pag-sasama.. dati'y nakikinig at humahanga sa iyong ginagawa.. dati'y nakikinig at umuunawa sa mga bagay na kagustuhan mo.. ngayo'y bigla nalang naglaho at napalitan ng galit.. kay sarap magkaron ng isang amang magtatanggol sayo laban sa mga taong nais bumastos sayo.. isang amang makikinig sa mga kwento mo sa mga pangyayari sa buhay mo.. isang amang magtitiwala sa iyong kakayahan.. isang amang makikinig at susuporta sa iyong hangarin..

No comments:

Post a Comment