Ikaw ba’y isang angel na nahulog mula sa kalangitan.. Na mag-liligtas sa akin mula sa kalungkutan.. Malayo palang nakikita ko na ang matamis mong ngiti.. ‘Di ko na maalis ang aking mata buhat sayo.. Sino ka ba..? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo..? Sino kaba..? Puwede ba kitang makilala..? Hindi ko makalimutan ang iyong mukha sa tuwing ika’y aking nakikita.. Mayroong iba sa’yong mga ngiti.. Na labis na nag-papasaya sa akin.. Nais kitang makilala.. Sino ka ba..? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo..? Sino ka ba..? Bakit kita nakilala..?

Monday, June 28, 2010

Ina..


may isang Inang yayakap sayo kapag ikaw ay nalulumbay.. isang inang uunawa sayo kapag ikaw ay nagkamali.. isang inang gagamot sayo kapag ikaw at nasasaktan.. isang inang ipaglalaban ka kapag ikaw ay inaapi.. isang inang makikinig sayo kapag ikaw ay may problema.. masarap magkaron ng isang inang unang makikinig sayo, unang uunawa sayo at unang magtatanggol sayo.. kapag nag-iisa ka at wala kang kausap tatabi sayo at makikinig sa musika ng iyong pag-iyak.. yung magsasabi na "kaya mo yan anak" at sabay yakap ng mahigpit.. yung magsasabi ng "sasamahan kita anak nandito lang si nanay".. ang sarap maglaan ng oras at panahon kasama ang isang inang tulad nito.. papano kung ang iyong ina ay sariling kahihiyan ang tanging mahalaga kesa sa kaligayahan ng isang anak..? isang inang handang ipagtanggol ang iba laban sayo para sa knyang kahihiyan.. isang inang kaya kang ilugmok sa kalungkutan at pighati maligtas lng siya sa kahihiyan..? maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan.. mga bagay na hinid ko matanto.. na ang tanging nasa isip at puso ko ay ang malaking pagmamahal para sa aking ina kapalit man ng kanyang paglayo sa akin ay bumabahang luha pilit kong kinakaya upang siya'y aking mapasaya..

No comments:

Post a Comment