Ikaw ba’y isang angel na nahulog mula sa kalangitan.. Na mag-liligtas sa akin mula sa kalungkutan.. Malayo palang nakikita ko na ang matamis mong ngiti.. ‘Di ko na maalis ang aking mata buhat sayo.. Sino ka ba..? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo..? Sino kaba..? Puwede ba kitang makilala..? Hindi ko makalimutan ang iyong mukha sa tuwing ika’y aking nakikita.. Mayroong iba sa’yong mga ngiti.. Na labis na nag-papasaya sa akin.. Nais kitang makilala.. Sino ka ba..? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo..? Sino ka ba..? Bakit kita nakilala..?

Thursday, December 1, 2011

Nasasaktan ba ka mo??





Sus! normal yan! normal kung paminsan minsan.. pero pano kung-----





NAPAKADALAS..? indi na normal yan..!





Isa yang sakit na dapat mo ng lunasan.. gamotin..





pero pano mo ba gagamutin ang masakit..?





pwede ba uminom nalang ng ALAXAN..?





MEFANAMIC..?





pain reliver naman yan ah.. hehehe





try mo uminom ng pain reliver na yan ng isang milyon ewan ko nalang kung di mawala sakit na nararamdaman mo..hehehe










minsan kapag nasasaktan tayo iniisip natin "ano ba ginawa kong mali at sinasaktan ako ng ganito..?" ano nga ba..? bka nga may mali rin sayo.. think about it..










minsan iiyak ka ng todo sobra sobra para ilabas ang sakit na nararamdaman mo.. (pero halos araw araw namang umiiyak).. ginagawang habbit.. hehehe










minsan maiisip na kumalas na lang.. makipag-hiwalay ba.. "reak na tayo ayoko na pagod na ako"..





pero pag-katapos sabihin nag-sisisi at iyak ng iyak.. "bkit ko ba nasabi yun"..





baliw..hehehe















minsan sisigaw ng " ang sakit sakit, hirap na hirap na ako ayaw ko na.."





edi itigil mo na pede nmn umayaw.. may choices tayo noh..hehehe










minsan nmn tatahimik nlng at magsasoundtrip.. (pero ang nga sounds puro senti moments kaya ang luha tumatagaktak) hehehe..










eh pano nga ba tlga gamutin ang masakit..? yung sakit na dulot ng isang taong mahalga sayo..? yung sakit galing sa taong napka-importante sau..? paano ba..?










tama bang iiyak everytime na sinasaktan ka..?





tama bang isigaw everytime na sinasaktan ka..?





tama bang isipin mong magpakamatay ka na lng para di mo na maramdaman ang sakit..?





tama bang tumahimik sa isang sulok at damdamin mag-isa ang sakit..?





tama bang isisi mo kay God ang sakit na nararamdaman mo..?





tama ba mga yan..?










maybe yung iba pede.. kasi dun sa tingin nyo gagaan ang loob nyo eh.. or sa ganyan gumaan ang loob nyo..










pero sa totoo lang isang bgay lang ang dapat nyong gawin once na masaktan ang-----





PAG-TANGGAP..










tang-gapin nyo ang sakit at ilagay sa isip at puso na maswerte pa rin kayo..





kasi indi kau katulad ng nasa piture..



nalang kung ganyan kalagayan nyo edi mas lalong mahirap diba..



kaya instead na isisi kay God ang nararamdaman nyong sakit eh mag-pasalamat nalng kayo sa kanya at kahit nakakaramdam kau ng sakit eh maswerte pa rin kayo..


may sapat na dahilan si GOd sa lahat ng bagay.. kung nasasaktan man tayo ngayon maybe one recipe yan upang maging matatag tayo.. parang adobo lang yan di masarap ang adobo kapag walang toyo.. (toinks)..hehehehe


pede ka namang umiyak pero wag nmn madalas na halos araw araw umiiyak ka.. isipin mo nmn sarili mo.. mahalin mo sarili mo.. yan iniiyak mo eh pumunta ka nlng na mall at bumili ng mga pampaganda.. oh diba..hehehe


pede ka rin nmn magsenti pero wag nmn yung OA..


pede ka rin sumigaw pero sa tagong lugar.. hehehe


basta importante marunong akng tumanggap.. tanggapin mo and stay happy.. ^_^





If one feels the need of something grand, something infinite, something that makes one feel aware of God, one need not go far to find it... I think that I see something deeper, more infinite, more eternal than the ocean in the expression of the eyes of a little baby when it wakes in the morning and coos or laughs because it sees the sun shinning on its cradle..



Tuesday, August 17, 2010

simplest thing..

makasama mo lang siya in a simplest way masaya na ikaw..
kapag binili ka niya ng icecream,mani,hanny, oh itreat ka niya sa simpleng lugar sobrang saya mo na..

kasi alam mong minsan lang iyon..
at ang minsang iyon ay mahirap maulet muli..
at sa simpleng pang-yayaring magkasama kayo ay sagad ang iyogn kaligayahan..
dahil walang importante saiyo kundi ang KASAMA lang siya na puno ng kaligayahan..

masarap ang kusang binibigay kesa sa hinihingi..
kaya'y di mo nais humingi sa kanya..

masarap ang feeling ng bigla kang bibigyan na hindi mo dinedemand..
masarap din magbigay ng kusa..

kaya ang pag-mamahal mo kaniya'y kusa mong binibigay..
buong puso mong iniaalay ang iyong sarili sa kanya..

masarap sa pakiramdam ang makitang nakangiti ang taong mahal mo dahil sa iyong binigay..

walang halagang kapalit.. walang yaman na katapat.. babalewalain mo ang iyong magagastos at di manghihinayang kapag nakita mo ang maganda niyang ngiti at may matamis na lambing..

sa simpleng bagay lang basta kasama mo siya masaya ka na..
simpleng iloveu..
simpleng imissu..
simpleng gudnyt..
simpleng morning..
simpleng ingat..

parang lumulutang ka na sa ulap sa saya..
ganyan mo siya kamahal..

Monday, August 16, 2010

haayyyy..

Nadirito ka nanaman sa Blog mo.. maaring nag-hahanapa ka ng kausap.. maaring na nalulungkot ka nanaman.. maaring nasaktan ka nanaman...

Sige na sabihin mo na ang gustong sabihin ng iyong pusong nagdaramdam..

Iiiyak ba..?
Gusto mo ng kayakap sa iyong pag-iyak..?

Ano nang-yari at eto ka nanaman..?
inaway ka ba nya..?
malamig nanaman siya sayo..?
pinalulungkot ka nanaman niya ulet..?

babagsak na ang mga luha mo..
gusto mo an ba humagulgol..?
gusto mo na ba sumigaw..?

Sige na ilabas mo na ang bigat ng iyong nararamdaman..

mag-bubusy busyhan ka para makalimot sa iyong nararamdaman ngayon..?
tatakasan mo ang sakit na iyong nararamdaman..?

ikaw busy pero nandiyan pa rin.. kahit sobrang busy ka nandiyan ka parin di nawawala ang iyong pagpaparamdam sa kaniya.. kahit sinabihan ka na ng amo mo na 3 days mo lang gagawin ang project mo may time ka pa rin para sa kanya para mag-kwento..

pero siya..? ano..? pag-busy siya napag-uukulan ka pa rin ba niya ng pansin..?

bibigyan ka niya ng pansin after lang ng kanyang ginagawa oh tapos na siya sa ginagawa niya oh pag wala na siya ginagawa oh pag tinatamad na siya oh pag-naboboring lang siya oh kapag inaantok lang siya oh kapag nagugutom lang siya..

ikaw..?

minsan kapag di ka nakapagparamdam dahil may ginagawa ka pag-duduhan ka pa..

ano..?
iiyak ka nanaman..?
ayan nanaman ang mga luha mo nag-uunahang bumaba mula sa mga mata mo..

kapag kumakain siya ng masasarap na pagkain naalala ka ba niya ibili oh pasalabungan..?
kapag umaalis ba siya naalala ba niyang bigyan ka ng isang maliit na supresa para naman ngumiti ka..? kahit suprise na candy like 3 little candy lng..
kapag kasama niya ay yung taong kinalulungkot mo umiisip ba siya ng paraan paano papawiin ang iyong lungkot..?
kapag nandiyan siya nakakaisip ba siya ng mga bagay na pwede nyong gawin upang makasama ka niya oh nakakaisip lang siya kapag tungkol na sa makamundong situation..?
kapag may natatamo siya biyaya naiisip ba niya ibili ka man lang ng candy bilang share sa kanyang blessings..?
kapag napapaiyak ka niya nagigiging clown ba siya sa harapa mo..?


kapag nakakagawa siya ng mali pinapatawad mo agad.. nakangiti ka na agad.. malambing ka na agad sa kanya..

eh kapag ikaw nakagawa ng mali..?

ayan na papasok ka nanaman sa blog mo.. kasi malamig siya sayo.. tinitiis ka niya.. na para bang feeling mo ang laki laki ng iyong kasalanang nagawa..
nasasaktan ka sa kanyang pinapadama dahil sa mga pabalang niyang mga sagot sa iyong mga seryosong salita..

ipag-laban mo ang iyong sarili dahil alam mo sa iyong sariling wala kang ginagawang masama sasabihin pa niyang "nagdadahilan ka nanaman" "nai-way pa" etc..

mahirap walang kausap.. walang nagpagsasabihin ng bigat na nararamdaman.. buit nalang may blog ka na pwede mong sabihan ng iyong nararamdaman.. kaya ayan ka nanaman lumuluha..

ano ba mas..?

Ano ba ang mas mabigat..?
Ano ba ang mas mahirap..?
ano ba ang mas masakit..?
ano ba ang mas higit..?
ano ba ang mas kasalanan..?
ano ba ang mas..?

ang mag mahal ng isang taong may nakuha kang lokohin
o mag mahal ng isang taong nag iisa ka lang sa knyang puso..?

sa puso mo nag-iisa siya.. sa buhay mo nag-iisa siya.. siya ang natatangi sa buhay mo.. siya ang unang yumakap sa buong pag-katao mo.. siya ang taong unang makakakita at makakwaksi ng yung pinapangarap na buhay dahil siya lamang ang ninanais mong makasama at maging ama ng iyong mga magiging anak.. pero sa kabila ng ninanais mo nakuha ka niyang saktan lokohin gaguhin.. pero mahal mo pa rin at higit mo pa ring minamahal..


ano ba ang mas masakit sa dalawa..?

ikaw na nag mamahal ng totoo sa taong may bestfriend na X at may anak sa isang X at walang pakundangan kang saktan ikaw pa ang sumusuyo ng lubos..

o siya na nag mahal sa isang taong mayroong bestfriend na lalaki..?

ikaw na lahat ginagawa mo para sa kanya at para sa ikakasiya niya nakukuha ka pang tiisin, pag matigasan, at pag taasan ng pride..

o siya na puro tanong sau na parang walang kaalam alam at di parang ayaw oh tamad mag-isip kung paano ang gagawin at walang alam kundi saiyo itanong kung papaano..?

ikaw na LAGING pinaiiyak sa sakit at dinadagdagan pa..

o siya na nasakatan mo MINSAN dahil lng sa text na MUAH..?

hindi pa ba sapat yung minsang pagluha, sakit at lungkot na naramdaman..?
hinid pa ba sapat yung minsan at kailangang dalasan..?

ikaw na binigay mo ang buong pag-katao mo ikaw pa ang mali..?

ikaw na nag-mumukang tanga sa pagmamahal mo sa kanya ikaw pa ang sasaktan..?

ikaw na sukdulan ang pang-unawa ikaw pa ang paluluhain..?

sa likod ng pagsasakripisyo mo di ka man lng makatanggap ng effort buhat sa kanya..

ikaw na sa simpleng salitang iloveu, imissu, gudnyt, morning, masayang masaya ka na.. pero kung ikaw ay di mag text ng ilang minuto buong araw nyang sisirain ang araw mo dahil sa lamig na kanyang ipaparamdam sau..

ikaw na niloloko, umuunawa pa rin at iniitntindi.. hindi niwawala ang tiwala kahit niloloko..

pero kung ikaw sasalitain ka nya ng mga pabalang na salita.. 'ah tlaga', cge sabi mo eh", ok fyn", until maging malamig na sya sau.. pero mahal mo pa rin at lalo mo pa ring minamahal..

mawalan ka ng load kukwestionin ka na, na parang walang tiwala sayo.. na parang niloloko mo siya pero ang totoo ay may takot kang gumawa ng mali sa kanya dahil mahal mo siya na sobra kaya ang guamwa gn mali na ikakasakit nya at di mo naman magagawa ngunit hindi nya alam yun dahil may duda siya sayo..


siya na may katext kausap sa gabi hindi mo iniisip masyado at di ginagawang dahilan para pag-malamigan mo siya dahil buo ang tiwala mo sa kanya sa kabila ng lahat..

ikaw na sa kabila ng lahat ikaw pa ang pinag-dududahan..


ikaw na dapat suyuin at pag silbihan dahil sa katapatan mo at pag-saakripisyo sa lahat ng kamalian na kanyang ginawa ikaw pa ang nanunuyo, nag-eefort para lang makasama mo siya..

ikaw na may nakalaan para sa kanya..
siya na walang nakalaan para sayo kundi samahan ka lang..

siya na dapat bumawi ay ikaw ang bumabawi..
siya na dapat may gawin upang ikaw ay mapasiya ikaw pa ang nag-iisip para sa ikakasiya nya..

ikaw na ang-papaubaya ikaw pa ang iiwan sa huli..

pero sa puntong iyan,,? pag-iyan kanyang nabasa..?
sasabihin nyang "may choices ka naman eh"

sakit diba..? paano mo maipapaliwanag sa iyong puso na may choices ka naman kung ang sinisigaw nito ay siyang tunay lamang..?

tao ka lng nag-mamahal.. hindi ka namili ng mamahalin dahil kusa mo itong naramdaman sa isang tao..

kailan niya ako gagawing prinsesa ng buhay nya yung tipong higit sa ginto ang pag papahalaga niya sa akin upang di mawala.. wala ba akogn karapatang sumaya at pasiyahin ng taong mahal ko sa kabila ng mga pagsasakripisyo ko..?

hindi na ako nagnanaisna sobrang attention buhat saknya dahil alam kong di na ganon kadali ang kalagayan nya..

mahal na mahal kita iyan ang apg-katandaan mo aking mahal nandito lng ako para sau karamay mo sa lahat ng bagay gaano man iyan kasakit ay kakayanin ko basta nandiyan ka sa aking tabi.. :'-(

Monday, July 26, 2010

Peksman..!


'Hoy!

Anong ginagawa mo d'yan?!'

sigaw ko sa babaeng nakatayo sa may gilid ng water tank sa rooftop ng IT Building. Napakadelikado para sa isang babae ang tumayo sa lugar na iyon.

Humarap siya sa akin.


Si Riza, ang classmate ko sa Biology.'Tatalon! Magpapakamatay! Bakit ka ba nangengelam?' sumbat niya.


'Engot ka ba?! Huwag diyan, pwesto ko 'yan e! Doon ka sa kabila!' Hinila ko si Riza pababa. Umupo ako sa may water tank at sinimulang tugtugin ang bitbit kong gitara.


Ilang minuto pa ay bumalik sa pwesto ko ang babae. 'Excuse me?' pasintabi niya.


'Oh bakit buhay ka pa?' biro ko.

'Sabagay dump site ang babagsakan mo kaya turn off sa libing.

Maganda ang view dito kaya di ka pwedeng tumalon dito.

Hindi na ko makakabalik dito kung magmumulto ka.


''Magrerequest sana ako. Galing mo kasi maggitara.'Umiling ako.

Abnormal yata ang taong ito.

Gusto pa may music habang nahuhulog.

Hihigitan pa yata ang MTV ng 'how can i fall' ni Jed Madela.


Ok na yung compliment niya e pero di naman pangpatay ang tinututog ko.

'Tahimik sa lugar na 'to kaya dito ako nag-eenjoy maggitara. Pero parang di ko maenjoy ngayon.''Pinapatamaan mo ba ako?

Problemado na nga ako, kinukonsensya mo pa,' sambit niya habang nakasimagot.


Parang ginusot na papel ang ang itsura niya. Sa tingin ko naman hindi siya baliw. Siguro nga may problema lang siya. Masyadong masakit kaya magsusuicuide siya, mas masakit pa siguro sa pagbubunot ng kanyang kilay.


'Ten minutes na lang pala uwian na. Halika samahan mo na lang ako!' Hinila ko na uli siya. Bumaba kami ng IT building.


Wala naman akong pakialam kung magpakamatay siya. Takot lang talaga ako sa multo. Kung umattend pala ako ng klase, katropa na niya si casper. 'Bukas mo na lang ituloy ang pagpapakamatay mo.


''Joriel. Dahan dahan..' Engot. Takot madapa pero di takot mamatay.

'Bakit ka ba tatalon dun?


''Bakit ba interesado ka? At san tayo pupunta?''


Hindi naman ako interesado sa dahilan.

Ok i-rephrase ko. Bakit dito pa sa school mo naisipang magkalat ng spare parts mo?'

Napangiti ang unggoy na babae.


'Inabala mo ang paggigitara ko kaya dapat mo akong samahan, bawal na magtanong.


'Sumakay kami ng bus at tahimik lang siya sumunod. Sa may bintana ako umupo para kita ko ang view ng daan. Pero mas madalas kong tingnan ang reflection niya sa salamin. Baka kasi biglang maglaslas madumihan pa ang polo ko. Masesermunan ako ni ermat kapag nagkamantsa ang damit ko.

Gusto kong alamin ang problema niya pero parang ayaw naman niya ishare. Bakas pa nga din sa mukha niya na wala siya sarili.


Kung pitikin ko kaya ang ilong bumalik kaya ang ulirat nito?'San ba talaga tayo pupunta?' basag niya sa katahimikang matagal na namamagitan sa aming dalawa. Ganda ng boses parang gusto kong magpahele at matulog sa byahe hanggang tumulo ang aking laway.


'Sa Tagaytay,' ngiti ko. Ipinakita ko sa kanya ang bilog na bilog kong dimples. Pero di niya napansin. Kaya itinago ko na ulit.


'Anong gagawin mo dun?' usisa niya. Dami niyang tanong daig pa ang teacher ko sa values education.


'Kakain ng ice cream,' biro ko.''Oh yan!' inabot ko sa kanya ang isang pirasong papel at ballpen.


'Para san 'to?''


Gumawa ka ng suicide note. Maganda ang view sa Tagaytay kung maisipan mo tumalon at least may evidence na di kita itinulak. Pakipirmahan ng maayos ha.


''Gusto mo na ba talaga akong mamatay?"


''Dami mo naman tanong. Sinusuportahan lang kita sa desisyon mo. Pero kung sakaling magbago ang isip mo mas ok.


'Habang daan, nagkwento na siya. Masyadong mahaba kaya ipinasummary ko noong nakatapos siya. Inulit naman niya. Nagulat ako sa pagtitiwala niya. Binabastos daw siya ng

father niya. Muntik na nga daw siyang magahasa kagabi kaya pumasok sa isip niya ang suicide. Napayakap siya sa akin. Lumuha. Todo comfort naman ako. Peksman! Walang malisya.

busy naman ang mother niya sa trabaho, minsang sinubukan na daw niya magsumbong pero di siya pinaniwalaan. Wala akong maipayo sa kanya dahil di ko naman siya pwedeng ampunin. Dati nga nag-uwi ako ng pusa, hayun binuntal ako ni ermat nung kinain ang isdang binili niya sa bayan. Isda pa nga lang yung kinain binuntal na ako, eh kung isasama ko si Riza for sure kakain siya ng kanin.

Nang makarating kami sa Tagaytay, inilibot ko siya para mabawasan ang lungkot niya. Ibinili ko siya ng ice cream para marefresh ang utak niya pero iyong mura lang baka kasi kulangin ang allowance ko. Naglakad-lakad kami minsan sumasakay din naman ng jeep. Iniiiwas ko siya sa bangin baka kasi biglang topakin at tumalon, isama pa ako. Sayang naman ang magandang lahi ko.Tinuruan ko siyang maggitara dahil iyon lang naman ang talent ko. Kumakanta siya ng 'you first believed' ni Hoku habang tinitipa ang kwerdas. Napakaganda ng boses pwede kong pagkakitaan kung isasali ko siya ng singing contest.


Naaliw ako. Hindi ko namamalayan, nakatitig na pala ako sa kanya. Sa bawat pagtama ng aming mata ay napapangiti ako. Unti-unti, sumabay na ako ng pagkanta. Bumuhos ang ulan. Pero napawi naman ang madilim na ulap sa puso at isip ni Riza.Naisipan ni Riza na tumira muna siya sa apartment, kasama ang iba naming kaklase. Nagtrabaho siya para suportahan ang sarili. Bumalik na ang dating Riza. Paminsan-minsan na lang kami magkita dahil tamad naman akong pumasok sa subject na magkaklase kami.


Kadalasan, umaakyat siya sa rooftop para puntahan ako. Minsan nga, di ko namalayan may drawing na ako sa mukha. Tapos may nakasulat na malaking THANK YOU!.. Kumakanta pa din kami pero itinitigil ko na bago pa umulan.


'Joriel, thanks for saving my life.''


Nasave ko ba? Hindi nga kita pinigilan e.


''Kahit na. Kung di mo ako nakita malamang wala ako dito ngayon,' seryosong sagot ng unggoy na babae.


'Nandito ka na din lang.. Wag na pala.


''Ano iyon.? Huwag na kasing bitinin.


''Alam mo sa sandaling pagkakaibigan natin nahulog na ang loob ko sa'yo. Mahal na kita. Mahal kita Riza.


''Pwede bang mag-isip muna ako?


''Hindi mo naman kailangan mag-isip dahil hindi naman ako humihingi ng sagot."


' Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko iyon.

Naglakad ako palayo sa kanya.

Umakyat ako may gilid ng water tank kung saan dating nakapwesto si Riza.


'Wait~!'


Inextend ko ang kamay ko sa may tangke sa may pinakadelikadong parte.


'Oo na. Oo na! Mahal din kita! Please umalis ka na diyan. Hindi ko kayang mawala ka. Delikado diyan!'


Napangiti ako. Bumaba ako bitbit ang kumpol ng lobo na ilang araw ko ng itinago sa likod ng tangke. Bawat lobo may bulaklak sa dulo.Pinakawalan ko ang lobo sa harap niya.


'Peksman? Mamatay man?!' paninigurado ko sa babaeng kaharap ko. Sa taong mahal ko.Tumango siya ng maraming beses, mabilis pa sa spaceship. She hugged me. Sana lang di kami makita ng principal.hehehehe